TRIP

MAHIRAP 'pag ginagabi sa byahe... lalo na't solo ka.
Madalas nakakapaisip
... na kahit anong dumating basta dun din ang bagsak, ayos na!
... na kahit sabit lang, papatulan na!
Kahit mahirap, kahit nakakawala ng poise.
Ang mahalaga, umaandar... kumikibo,
Sa lalong pagdilim,
mas tumitindi ang pag-iisip.
Delikado na...
Sa dami ng sabit, baka di ko na kayaning kumapit ng mahigpit.
Sa pagsiksik, baka ma-snatch ang wallet.
Sa kadiliman ng paligid, baka di ko na makita na iba pala signage.
Haaaayyy...
kung magkataon, akala ko'y dun din ang punta...
yun pala mas mapapasama pa.
Haaaayyy talaga...
Pagod na ko maghanap ng jeep.
Ayoko na ding umasa muna na yung ika-10 sasakyan ay hindi ko na kelangang sumiksik.
Makakauwi pa naman ako diba?
Hmmm...
Lipat na lang ko pwesto...
Dito mas maliwanag...
Taxi!!!
Malamig...
Mas comfortable...
Mas mahal nga lang...
Pero worth it naman kasi solo ko lang at sigurado kong may pupuntahan.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home