blog attempts

This page unravels my thoughts... It has my emotions.

Tuesday, October 04, 2005

Tawa na lang tayo


PDI-10.04.05 issueKung bakit nga naman ang hilig nating mga Pilino na ngumiti at tumawa. Kahit puno na ng problema ang bayan, todo pa rin sa pagpapatawa... Halimbawa na lang ang infamous text message ngayon na "Cory cannot tell a lie. Gloria cannot tell the truth. Erap doesn't know the difference." Nakakalungkot lang isipin na puro pagtawa ang sagot natin sa mga problema kasi sanay na tayo. Sanay na tayo sa problema... Sanay na sa kahirapan ng bansa. Sanay na tayong maumay sa pagpilit na may pag-asa pa. Sanay na tayo sa mga gawain ng lideratong mas malaki sana ang magagawa para guminhawa ang Pilipino. Sanay na tayong walang kasagutan ang mga problemang matagal ng dinadala. Hay naku! Buti na lang at nandiyan si Miriam... mas napapadali ang pagtawa. Bwahahaha!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home